Kinaiinisan ni Windoulf on Friendster

Top Ten Most Kinaiinisan ni Windoulf on Friendster as of 2008

.

10. Comment na "Thanks for the add!" (Feeling close!)

.

09. Comment na "Thanks for viewing my profile!" (Napindot ko lang!! Feeling toh!!)

.

08. Comment na "Comment ka naman sa akin."

.

07. Message na nilagay sa comment box

.

06. Message na "Please add me!"

.

05. Message na "Hi!" (Sino ang hindi maiinis diyan?!)

.

04. Message na chain message (Kaya siguro ako minalas!)

.

03. Message na kunwari wrong send pero hindi naman

.

02. Mga taong pacute sa mga photos nila (Huwag pilitin kung ayaw!)

.

01. Mga taong nag-upload ng mga letrato ng mga ibang tao tapos sasabihin sila iyon (Libre mangarap---pero siguraduhin niyo lang na hindi kayo magmumukhang eng-eng!)

                            

The Rice Effect

Marahil alam mo na nag-mahal na ang presyo ng mga bilihin ngayon. Bawat bilihin ay nag-taasan ng presyo. Isa na dito ang bigas. Ito’y sa kadahilanang paunti na nang paunti ang mga nagsasaka sa ating bansa at nawawalan na rin ng lupa o lugar upang sakahan. Ang iba naman ay tinatamad nang mag-saka at nag-iibang bansa na lamang upang maahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Isa pang kadahilanan ay ang pag-pasok ng mga iba’t ibang bagyo na silang sumisira sa mga pananim. Marami pang ibang dahilan kung bakit kakaunti na lamang ang supply ng bigas sa ating bansa pero hindi na mahalaga iyon sapagkat hindi iyon ang ating pag-uusapan ngayon. Naisip niyo na ba kung anong mangyayari kung mawawalan tayo ng supply ng bigas?

.

Kamakailan lang ay isa ito sa mga bagay na aming natalakay ng aking magigiting na mga kaibigan dahil wala na kaming magpag-usapan sa oras na iyon.

.

Ano nga ba ang mangyayari kung wala ng bigas? Ano ang kakainin natin? Ano ang gagawin ng mga mag-sasaka? Anong mangyayari sa mga palayan o lupang sakahan? Anong mangyayari sa atin at sa ating bansa? Ilan lamang yan sa mga tanong na aming naibuklat.

.

Heto ang mga ilan sa mga kabaliwang naisip namin kapag nawalan ng bigas:

.

Magiging imported na lahat ng bigas. No choice! Subalit sa sobrang taas ng presyo ng imported na bigas ay wala pa ring makakabili nito. No choice ulit! Dahil nawalan ng trabaho ang mga magsasaka ay magkakaroon ng matinding kahirapan. Darami ang mga street children, rugby boys, sabungero at taong grasa. Mapipilitang magnakaw at mang-holdap ang mga dating magsasaka. Dahil doon ay tataas ang crime rate sa ating bansa. Tataas na naman ang pamasahe! Not only that! Bawat jeepney at bus ay siguradong may holdapan. Darami ang mga un-employed at dahil doon ay siguradong bababa ang peso rate. Tataas na naman ang tax! Leche! Hindi lang tax ang tataas. Tataas din naman ang  populasyon dahil wala nang ibang gagawin ang mga magsasaka kung hindi romansahin ang kanilang mga misis. Maaring maging extinct na ang mga kalabaw sa panahong iyon. Ang mga natitirang kabayo naman ay maaring isali na lamang sa karerahan o di kaya ibenta para litsunin. Wala na ring bibili ng rice cooker at rice dispenser. Ang bawat lugawan at gotohan sa buong sulok ng bansa ay mawawalan ng negosyo. Maliban na lamang kung magbenta sila ng sopas. Lalo namang yayaman ang San Miguel Corp. dahil dadami ang mga lasinggero. Ang mga dating palayan o lupang sakahan ay siguradong tatayuan ng mga bahay at gagawing iskwater area o di kaya tayuan ng mga naglalakihang Mall. May isa pang option---Maaring hukayan at gawing palaisdaan ang mga dating lupang sakahan. Isa pa sa naisip namin ay maaring wala nang mabibiling rice cake sa tindahan. Daranas ng matinding tag-gutom! Samantalang lilinis naman ang kalsada dahil wala nang magpapatuyo ng palay para maging bigas. Sa wakas! Luluwag na rin ang mga basketball court sa probinsiya. Magiging substitute ng bigas ang mais o kaya kamote. Yayaman ang mga naglalako ng mais. Dahil dito mapipilitang magtinga ang mga tao. Yayaman din ang mga may-ari ng mga pagawaan ng toothpick. Malulugi naman ang mga manufacturer ng sako. Dahil sa pagkain ng kamote ay magkakaroon ng matinding air pollution dulot ng di mapigilang pag-utot. Maglalahong bigla ang mga rice terraces sa Bagiuo. Kasabay nito ang paglaho ng mga nalalabing igorot. Mawawala sa diksyonaryo ang mga salitang bigas, kanin, at palay. “Taplog” na lang ang maoorder sa tapsilogan dahil mawawala na yung “sinangag” (or “si” for short) sa tap(si)log. Aasenso naman ang mga bakeries. Dahil sa tinapay magiging patok naman ang mayonnaise, liver spread, peanut butter at mga iba pang sandwich spread. Ngunit ang kinakatakutan namin na pinakamalala na maaring mangyari ay ang pagkawala ng extra rice sa Jollibee.

.

.

Ilan lamang yan sa mga naisip namin na maaring mangyari kapag nawalan ng bigas ang ating bansa. Scary noh?!

.

Bilang paalala!

.

Walang tawirang nakamamatay.

God knows! Judas not pay!

i-DEA

i-DEA

Yeah! Yeah! I know… Here I go again and again and again. Constantly the same old stories… however this time something’s different. So, go on and find out! Read and you won’t be disappointed. I swear! Unlike the previous meaningless entries, this one’s unique. This is amusing! Let’s talk about exotic things evocatively. Trust me on this one. I want you to take part in this entry. Involve yourself! Participate!

.

.

Have you ever thought of the most bizarre thing/s that could possibly occur?

.

Have you ever imagined stuffs that are out of this world and never been done before?

.

.

If your answer is NO… this is the regret part for you. Man, I think you’re the dullest creation ever created on the entire cosmos. You don’t deserve your brain. All you ever do is “copy and paste” other people’s idea/s. On my opinion---Honestly, you’re boring! You don’t have the initiative in you. You’d better stop reading here because the further component of this entry is not for you. On the other hand, if your desire is to continue reading---Pause for a moment and try to ponder anything that is out of this world or anything extraordinary and unbelievable. After doing so, you can continue.

.

If your answers to those questions are both YES… I think you’re cool! Heck! Yeah! You and I have something in general. We own the universe! You’re the genius and the inventor! You’re a pronto! You deserve to enjoy life. At this moment, I want you to concentrate and hark back to all the weirdest things that ever engaged in your mind. I don’t want you to be too serious nor humorless for this but try not to laugh to yourself. Just reminisce for a while. Now, I wish you to post your idea/s over the comment box.

.

I’m not trying to be a doctor of psychiatry or an analyst. I just find unusual ideas cool and amusing.

.

.

Post idea/s. Play a part. Share your world.

Not My Bad

Hindi ko talaga alam kung bakit pa ako patuloy na gumagawa ng blog entry kahit na alam kong walang nagbabasa nito. Dalawa lang talaga ang dahilan na naisip ko kung bakit naisipan kong ituloy itong ginagawa ko. Ito’y para may mabasa ka ngayon at ito’y para sa mga  mahilig manisi sa akin dahil pinababasa ko daw sa kanila ang blog ko ng sapilitan. Mga liars! Kaninang umaga lang ay biglang nag-private message sa akin ang dati kong kasama sa boarding house. Tunghayan ninyo ang aming pag-uusap.

Time: Around 1000h

Location: Laptop/Desktop/Internet/Yahoo Messenger/Kwarto/Kitchen

Characters: strikerx001 bilang si dati-kong-kasama-sa-boarding-house

                   floud_x56 bilang ako

strikerx001: hoy!!!

floud_x56: ui!

strikerx001: msta?!!!

floud_x56: auz lng!

floud_x56: kw mztah?

strikerx001: ayos dewd!!!

strikerx001: wla magwa pre…

floud_x56: la k magawa?!

strikerx001: yup!!!

floud_x56: gs2 m may mgwa?

strikerx001: yup!!!

floud_x56: eto click m! http://heavenlywing.blogs.friendster.com/

strikerx001: anu yn? me bold b yn? LOL!!!

floud_x56: bsta men! click m lng! owrayt?!

strikerx001: ok… owrayt!

strikerx001: okey! cge!! tenkz!

floud_x56: welcome!

(Hindi po galit si strikerx001. So walang violence na nangyari. Ganyan lang talaga siya makipag-chat. Siya ang taong hindi mahilig gumamit ng (!!!) exclamatories marksess!)

Makalipas ang mahabang isang oras ay biglang…

strikerx001: BUZZ!

floud_x56: yeah! zup?

strikerx001: anu b un men?!!!

floud_x56: ano?!

strikerx001: blog m lng pla un!!!

floud_x56: ow baket?

strikerx001: wlang kwenta lht!!!

floud_x56: binasa mo b?

strikerx001: oo!!!

floud_x56: lht binsa m?

strikerx001: oo!!!

floud_x56: kw pla la kwentz eh…

strikerx001: oh! bkit me?!!!

floud_x56: ano b sbi m knina?

strikerx001: ano?!!!

floud_x56: db sbi m la k mgwa?

strikerx001: oo!!!

floud_x56: e anong sbi qng gwin m?

strikerx001: klik ko un!!!

floud_x56: cnbi q bang bsahin m?

strikerx001: hinde!!!

floud_x56: edi kw wlang kwenta… pinapaclick q lng tpos binsa m ng halos isang oras?! cnong estoped ngaun?!!! estoped!

So on and so forth…

Kadalasan ay ako ang sinisisi ng mga tao, pagkatapos nilang mabasa ang mga entries ko. Wala naman akong sinabing basahin ninyo. Sabi ko lang ay “i-click mo”. Napakalinaw! What part of the “

I-CLICK

MO

” that you don’t understand? I-click mo! I-click mo! I-click mo! Ang linaw pre! Muli ko na namang sasabihin sa inyo na ang blog na ito ay para lamang sa walang magawa. I will go over and repeat it again, one more time from the top, the second time around once more. (From the Redundancy Department of Redundancy) PARA SA MGA WALANG MAGAWA LANG ITO. Pinapa-click ko lang para may magawa kayo at hindi upang basahin ninyo. Okay? Owrayt! Ang hangarin ko ay busilak. Gusto ko lamang makatulong sa mga walang magawa sa buhay.

Sa umpisa pa lang ay sinabi ko na “Please refrain from reading.” (Scroll niyo sa taas at basahin sa definition ng blog ko!) Pero makulit ka binabasa mo pa rin. Isa pa! READ and REGRET na nga ang title ko… Binabasa niyo pa rin?! Oh ano? Hindi ba tama naman ako? Read and regret talaga! Masaya pa nga kayo habang binabasa niyo ngunit pag-dating sa regret part ay sisisihin niyo ako. Tapos sabay sasabihan niyo ako na walang kwenta mga entries ko? Kukurukuku! Pero okay lang iyon hanggat mayroong isang ikaw na nagbabasa nito! Hahaha! Gawa ka na kasi ng sa iyo para hindi ka nakikibasa ng dyaryo ng iba!

Best.Blog.Ever. (Tagalog)

"The quality of my experience using Blogs is not important. Do not respond to these issues. The more information I  provide regarding what brought you here, the better. Thanks." -Windoulf

.

(Not the) BEST.BLOG.EVER.

"Hey! I can't believe this. My own blog! Here I am---out here to share my inner thoughts about absolutely anything that interests me. This will be my chance to share anything and a chance for you to know me better. This is so terrific! I'm having fun already! Watch out for my other entries. Thanks guys!"

- Most people say that on their first blog entry. It's all garbage! You want to know why? Because---it sounds gay and it's more crap than my other entries. And top of it---It's non-sense! Oh, c'mon! If you were to write an entry---You don't have to tell them ("The readers") that you now have your own blog. It's just pointless. They already know that! The mere fact that you have an entry means that you have blogged. Tell the readers something that they do not know! Stuffs like---why did the chicken crossed the road and things like that. For Gloria's sake! Tell us something that we don't know! Write something better rather than sticking your ass on your boss or crawling under your bed.

.

I'm not saying that "I'm good at this thing". The truth is I don't know. I judge you and you judge me. I just think that some bloggers are unbelievable. I guess that's just how they want their message to be delivered---to be delivered in a stupid way---in their own way.

.

But then again---It's their blog anyway! Why care? I might get prosecuted because of this! They might charge me with insulting them. Yes! It's true! They can imprison us for expressing our own opinion. Much unbelievable isn't it? But it is true. It happened... It's happening... and it will happen... That's the worst crap ever! Seriously---don't they have better things to do? Crap!

.

.

Electric Fan

Acknowledgements: I offer my sincere thanks and grateful appreciation to all who reads my entries. You made all of these possible. Thanks!

.

.

ELECTRIC FAN

.

.

.

Mga hindi kapani-paniwalang katotoohanan:

.

- Nag-saksakan dahil sa manggang hilaw

- Nag-bigti dahil na-parents needed

- Pinatay ang anak dahil wala nang pambili ng gatas

- Binuntis ang anak dahil siya naman daw ang ama

.

Ilan lang yan sa mga totoong eksena na hindi halos mapaniwalaan. Ngunit mas maraming kalokohan na ating pinaniniwalaan.

.

Mga kalokohan na pinaniniwalaan:

- Anting-anting/Agimat

- Alien

- Aswang

- Atlantis

- Santa Claus

- Gloria Macapagal

- Mga opisyal sa gobyerno

- Sirena/Syokoy

- Darna/Cpt. Barbel

- Mga manghuhula/Horoscope/Feng Shui

- Blogs (Especially my own --- "Read and Regret")

- Boy at Kris

- Oprah

- Dr. Phil

- Mike Enriquez

- Emo

- Blog tungkol sa aircon

Ha?! What? Blog tungkol sa aircon?! Akala ko nagbibiro lang si Agi (To Agi: Dahil nag-comment ka! Naalala ko ang aircon!) nang malaman ko sa kanya na merong blog tungkol sa aircon. I mean---Who---or what kind of a stupid person would write something or anything about airconditioning? Hello?! Aircon? Okay lang siya? Anong meron? Pare, do me a favor! Slap me on the face! Wake up naman! Gising! Seryoso ba ang taong ito? Epekto ba ito sa kanya ng "Global Warming"? Senyales ba ito na papalapit na ang katapusan ng daigdaig? Pero tulad nga ng aking nasabi sa aking mga naunang entry---"Walang pakialamanan. Kanya-kanyang trip lang yan.".

.

"Bilang isang kapwa blogger ay hindi nararapat na laitin siya. Bawat blogger ay may karapatang i-express ang kanyang saloobin. P.S. Maaring laitin ang mga emo!" (Blog of Rights | Article XII pp.16-17)

.

Subalit hindi doon natapos ang mga katanungan ko tungkol sa kalokohang iyon. So---Inopen ko yung link niya at binasa ko mga entries. I was surprised that all of his entries are all about airconditioning and stuffs like that! I realized that this guy is serious! Mas seryoso ang mga entries niya at mas makabuluhan. Katotohanan ang kanyang mga entries kumpara sa mga writings ko. Bandang huli---sa akin lahat bumalik ang mga pinagbabato ko sa kanya. Isa akong istupido! Maaring may mga sa katotoohanan din ang mga entries ko. Subalit kung ikukumpara mo ang Pancit Canton/IDT/Karowch ko sa AIRCON niya ay parang basang sisiw lamang ako. Oo! Inaamin ko. Kalokohan ang mga karamihan ng entries ko pero pinaniniwalaan mo. Oo! Inaamin ko na istupido ako. Pero baka nakakalimutan mo... Ikaw ang mambabasa! That brings me one step higher than you! Hahaha... In short... Mas istupido ka! Apir!

Wala akong maisip na TITLE

Babala: "Hindi lahat ng iyong mababasa ay makatotohanan at makabuluhan. Ito ay mula sa aking sariling opinyon lamang at ang karamihan nito ay base lamang sa lahat ng aking naranasan. Maaring mayroon itong ma-idudulot na kagandahan para sa iyo ngunit mag-mumukha ka lamang uto-uto kung pakikingan mo ako. Nais kong maging bukas ang iyong isipan. Hindi ko hangad masira ang pag-mamahal mo sa iyong (mga) syota. Wala akong nais patamaan. Kung ang edad mo ay tres pababa ay mas makakabuti pang huwag mo nang pag-patuloy ang pagbabasa. Nawa'y maunawaan mo ang aking nais na ipahiwatig sa iyo. And lastly---You can try this anywhere and anytime."

------5-----4----3---2--1....

Advantages and Dis-Advantages

(Volume 00000000000001)

By Dr. Windoulf Boredom

.

-SA MAG-SYOTA-

-

  • Sa Jeep/FX/Bus/LRT/MRT/Tricycle/Taxi/atbp.

(ADVANTAGES)

- Siya ang mag-babayad ng pamasahe... (Iwas gastos! Palakpak sa tenga!)

- Maaring sandalan kapag inaantok... (Zzzzz...)

- May papaypay kapag mainit... (Wooh! Pare, caring!)

- May mauutusan kang bumili ng tubig habang naghihintay ka sa pila... (Toooveeeg!)

- Maaring siya ang pipila para sa iyo... (Yes! Thank you!)

- Siya ang mag-aabang sa kalsada... (Handang mag-dusa... Nice!)

- Sasabit/tatayo na lamang siya para makaupo ka... (Wow! Totpul!)

- May kakwentuhan ka... (Ang saya-saya!)

(Dis-ADVANTAGES)

- Ikaw ang pipila habang nakaupo lang siya! (Demnit!)

- Ikaw ang mag-aabang ng jeep! (Ang enet-enet!)

- Ikaw ang sasabit/tatayo! (Dusa!)

- Ikaw ang sasandalan! (Badtrep!)

- Ikaw ang mag-babayad! (Langya...)

- Mas mahirap makasakay sa jeep/FX lalo na kapag rush hour at umuulan dahil dalawa kayo! (Waaah!)

- At higit sa lahat ay hindi ka maaring mag-pacute sa mga ibang chicks/hunks sa loob ng jeep! (Oww Noo!)

.

.

  • Sa sine

- Siya ang magbabayad ng tiket... (Siyemperds!)

- Siya ang maghahanap ng available seats... (Opkorz!)

- May mauutusan kang bumili ng popcorn at drinks... (Hehehe!)

- Hindi mo na kailangan pumila sa ticket booth dahil siya ang papipilahin mo... (Yey!)

- Maari mo siyang pag-tanungan kapag mayroon kang hindi naintindihan sa pelikula... (Ano daw?)
(dis-ADVANTAGES)

- Ikaw ang mag-babayad ng ticket! (Hai...)

- Ikaw ang pipila! (Oh my gaaad!)

- Ikaw ang bibili ng popcorn! (Bweset!)

- Hindi mo mapapanood ang talagang gusto mo! (Huhuhu...)

- Sa romantic movie ang bagsak mo! (Ow! Not again!)

- Paulit-ulit siyang magtatanong sa iyo kung ano nagyare... (Huwat hapend?)

- Pag-labas ay kkwento na naman sa iyo ang kapapanood niyo lang! (Waah! Shut up!)

.

  • Sa restaurant/kainan/party/atbp.

(ADVANTAGES)

- Siya magbabayad... (As usual!)

- Kapag sa party naman ay siya ang kukuha ng pagkain mo... (How sweeeet!)

- I-oorder ka niya ng favorite mo... (Naks!)

- Susubuan ka niya... (Uyyy...)

(dis-ADVANTAGES)

- Share kayo sa plate! (Di ka makakakain ng mabuti!)

- I-oorder niya favorite food niya... pero ikaw magbabayad! (Gastos na naman!)

- Susubuan ka niya pero mas marami laman ang kutsara kapag subo na niya! (Unfair!)

- Lahat ng masasarap nasa plate niya! (Takaw!)

- Pagkatapos maubos ang food niya... kukuha pa siya sa iyo! (Patay gutom!)
.

.

.

.

.

Ilan lamang yan sa mga halimbawa. Marami pang iba at maaring naglalaro na ito sa isipan mo! Saan ka man sa dalawang sitwasyon na yan---Bilang isang konsern sitizen ay isa lang ang payo ko sa iyo kaibigan. Wag ka nang mag-dalawang isip pa! TAKE ADVANTAGE NA! GO! Huwag hayaang madehado! Lumaban ka! DAHIL MAY LABAN KA!

Kaya ako mga tol... Instant Single! Daming benefits!

'Wag Basahin

  • Before you continue reading---Please read the instruction.
  • Instruction: Do not read the below part.

.

.

.

Please lang...

.

.

Wag mo na ituloy...

.

.

.

.

Magsisisi ka lang...

.

.

.

.

Bawal na...

.

.

.

Makulit ka talaga ha!

.

.

Hay... Sabi ko na nga ba't dehins ka makakatiis. Bakit ba ang hilig nating gumawa ng mga bagay na pinagbabawal? Pasaway! Simpleng utos, hindi masunod. Sinabi ng bawal basahin ito---babasahin pa rin. Ano ba ang dahilan bakit tayo ganito?

.

.

Ako man ay namangha sa misteryong bagay na ito. Kaya naman ako'y nagtanong-tanong sa mga taong nakapaligid sa akin.

.

.

Eto tanong/Here's the question: "Bakit karamihan ng mga tao ay makukulit, pasaway at mahilig gawin ang pinagbabawal? (Tulad ng nag-babasa ngayon.)"

.

.

.

.

Iba't ibang sagot ang aking nahagilap noong tanungin ko ang katanungan na yan. Iba't ibang reaksyon at iba't iba ang pananaw. Heto ang mga sagotses:

- Kasi cool kapag rebellious.

Girl: "Hi guys. I'm rebellious!"

Boys: "WHOA! COOL!"

- Pampa-astig.

Kaibigan 1: "Hoy! Ano yan?"

Kaibigan 2: "Di ko pedeng sabihin!"

Kaibigan 3: "Bakit naman?!"

Kaibigan 2: "Kasi bawal ito!"

Kaibigan 1 & 3: "WOOW! ASTEEG!"

- Peer pressure.

Kaibigan 1 & 2: "Tara, patay tayo ng tao."

Kaibigan 3: "Oh sige na nga! Kaka-pressure naman kayo.")

- Kulang sa pansin.

Judge: "Bakit ka nag-jaywalking?"

Pedro: "Nagpapa-pansin lang po your honor... Sorry ha?"

- Curious lang.

Judge: "Bakit mo siya nilunod?"

Pedro: "Curious lang po kasi ako baka may chance na makahinga siya sa underwater."

- Walang magawa sa buhay.

Inay: "Nak, bakit mo naman sinunog house natin?!"

Anak: "Wala lang..."

- Malakas ang loob o di kaya makapal ang mukha.

- Tsismosa't tsimoso. (Sisihin ang mga Talk Show.)

- Salbahe. (Sinisisi ang mga nag-palaki sa kanya.)

- Walang pangarap sa buhay.

- Nababato.

- Walang pera. (Palusot ng mga magnanakaw.)

- Walang syota. (Palusot ng mga walang palusot.)

- Kasi walang nakakakita. In english: "Because everyone's blind."

- Kasi cool. (Ulet)

- Out of curiosity. (Nanaman!)

- Ganyan talaga ang buhay. In other words: "Well, that's life."

- Makasalanan ang tao. (Hmmm... Si Eba't Adan may pakana niyan!)

- Human Nature. (Blame it on the Creator...)

- Masamang dulot ng kapapa-nood ng TV at radio. (Sisihin ang mga non-living things!)

Pulis: "Bakit mo binugbog anak mo?"

Ama: "Kasi ako po si Super Inggo!"

- Impluwensya. (Ge, magsisihan!)

- Walang perpekto.

Teacher: "Bakit hindi mo na naman ginawa homework mo?

Student: "Walang perpektong tao Ma'am!"

- Broken Family.

Pulis: "Bakit ka nag-beating the red light?"

Driver: "Hiwalay po kasi parents ko."

- Because of drugs.

God: "Bakit ka gumawa ng masama sa kapwa?"

Man: "Kasi naka-drugs po ako nun araw na iyon."

God: "Bakit ka nag-drugs noong araw na iyon?"

Man: "Kasi po nakagawa ako ng masama sa kapwa."

- Hindi alam ang tama. (This is bad.)

- No idea. (Worst.)

- Hindi naniniwala sa Diyos. (Hmm... maari din.)

Inay: "Anak, bakit hindi mo pa aminin na ikaw ang naka-basag ng plato?"

Anak: "Walang Diyos! Wala! Wala! Akala mo lang meron pero wala! Wala! Wala!"

- Because of the Great Deceiver/Tempter---"Satan"

God: "Bakit ka nag-cutting classes noong estudyante ka pa?"

Man: "Kasi po si Satan tinukso ako mah-DOTA."

Meanwhile in hell...

Satan: "Yeah... Yeah! Lagi na lang ako mali! Blame it all on me! Demnit!"

.

.

.

.

Oh db? Ang hilig natin gumawa ng mga pinagbabawal pero kapag nagkahulihan na---Sisihan na ang nangyayari. Turo dito, turo doon. Ganito ba talaga tayo? Pero ang nakaka-badtrip sa lahat---Pagdating sa dulo ay...

.

.

.

.

.

.

Subaybayan sa susunod na kabanata...

Isang Dalawang Tatlo.

Kanya-kanyang buhay---kanya-kanyang pangarap. Ganito tayong mga tao---May hangad sa buhay. Hindi maitatanggi na tayo'y mapangarap. Ganito pa man---Meron tayong bagay na karaniwan sa lahat. Lahat tayo'y naging bata!

Noong ako'y bata pa ay ninais kong maging isang doktor. Habang tumatakbo ang panahon nagsilabasan ang mga superhero---Tulad nila Batman and Robin, Spider-man, Superman, Ninja Turtles, Ultraman Ace, atbp. Hindi ko maikakaila na ninais kong maging isang tulad nila. Ang magkaroon ng ispesyal na kapangyarihan! (Makinig ka lang! Story ko to... Okay?! Gawa ka ng sa iyo kung ayaw mong makinig!)

Kaya naman lahat ng gamit na makita ko na may naka-ukit na mukha nila ay aking ipinabibili sa aking mga magulang. Ultimo sa medyas at underwear ko ay mukha nila ang print! Oo! Inaamin ko---Naging fanatic ako---but don't blame it on me! Bata pa ako noon men! Hindi maiwasan eh... Sino ba ang may ayaw ng Batmobile at X-ray Vision? Cool yun pare! Cool! Kaya naman noong unang nag-birthday party ako sa school ay costume ni Superman ang suot ko! Men! I was cool... I wasn't able to fly though! Pero cool pa rin! 

Ganyan ako noong bata. Kahit humiga pa sa buhanginan at mag-mukhang baboy ay walang makapipigil sa akin! Walang makakaawat sa mga bagay na ninais ko. Lahat ng mga bagay ay ako ang nagmamay-ari. Lahat ng bagay---pinapakialaman at binubuksan. Lahat ng bakod---tinatawiran. Lahat ng puno---inaakyatan. Lahat ng bubong---tinatambayan. Lahat ng plastik---ginagawang saranggola. Kaya nga naman lahat ng sinulid ni nanay ay nawawala. Lahat ng bahay ng kaibigan ko---bahay ko rin. Lahat ng pagkain nila sa ref.--pagkain ko rin. Lahat ng bata ay kalaro. Lahat ng bagay ay akin noong bata ako.

Pero hindi mapigil ang pag-takbo ng panahon. Iba na ang ihip ng hangin ngayon. Bumaliktad na ang mundo. Hindi na ako bata. Lahat ng bagay na aking ninanais ay may bayad na ngayon. Kailangan nang pag-hirapan. Hindi na ako maaring humiga sa buhangin at maghihiyaw. Hindi na ako pwedeng maging Blue Ranger. Hindi na ako pwedeng sumigaw ng "LET'S VOLT IN!"... Pare! Hello?! Grown up na ako! Grown up! May buhok na ako sa kili-kili! Hindi nag-bebreakfast si Eagleman! Hehehe... Nakakamiss maging bata. Gusto ko man gawin ulit ang mga bagay na yan---Huwag na lang tol! Tawagin mo pa akong baliw!

Masarap gunitain ang kabataan...

Not Just A Noun

Her beauty is like a light that never fades and with her own hands she brings comfort and joy. She's the most precious treasure a man can find. Just like the north star that guides me everytime I can't find my way. She shines even through the darkest night. Not even the great clouds can overcome her beauty. She's the hand that held me high to see everything. She's a compass when I'm lost and a spring in the middle of a desert.

She is strong and graceful like a deer, as well as cheerful about tomorrow. How can she admire a little bug with the boy who caught it? Wiping a dirty face with her clean and white shirt. Kissing a bloody bruised toe with her soft lips. Isn't it funny? How can she be so wonderful?  She's amazing! I admire her so much. Her smile is like the morning warmth of the sun. She deserves praise for what she has done. She's the best. You know---She's not just a noun. A mother is not just a noun. Just like my MOM---A mother is a love made visible.

I love you, Mom!

PANCIT CANTON

Heto ako ngayon---Eating instant fried noodles! (Mostly known as Pancit Canton.) Ito ang aking paboritong pagkain! You probably know the reasons! Pero kahit alam niyo na---Sasabihin ko pa rin!

Una sa lahat---Natuklasan ko na hindi lang siya pampahaba ng buhay! Nakakapag-pahaba din siya ng katawan ng aking---Hmmm... Guess what! Sirit na?! Nakakapag-pahaba siya ng katawan ng aking blog! Tapos napakamura pa! Ang aking allowance ay nakabudget para lang dito. Wow! Can you believe that? No? Believe it or not---It's a joke! Biro lang iyon siyempre! Ano ako tanga para magpaka-adik?! Get real naman bro!

Pero paborito ko talaga ito! Swear! Why? Kasi napaka-daling lutuin at kainin! Laging perfect ang pagka-sangkap! Walang sobra at walang kulang! Ito na siguro ang longest relationship na narating ko. Mula bata ako kami na---Hanggang ngayon kami pa rin ang nag-sasama! Andiyan ka pa rin para sa akin! Presyo lang ang nag-bago! Pero kahit na ganoon pa man! You're still the same! Waaah! I love you noodles!

Sana mabasa mo ang munting sulat na ito para sa iyo aking mahal! Noodles!! I love you! *AHEM* Take note: Hindi lahat ng noodles gusto ko. Si Instant Fried lang sa puso ko! Sa lahat ng mga kaibigan ko---Ikaw lang ang lagi kong karamay. Instant ka talaga! Alam mo ba---Lagi ko pinapanood mga commercials mo. Ang ganda mo! You're so perfect! Ang sarap mong panoorin pero natuklasan ko na mas masarap ka sa personal! Ipagkakalat ko sa buong mundo na mahal kita! Sana makarating ito sa nag-mamayari sa iyo. Sana matuwa siya at ibigay ka niya sa akin---Yun tipong life time supply ba! So that naman hindi ko na need pang mag-buy everytime na nag-kecrave ako sa you. (Naks! Tag-lish! Lupet ko! Apir!) Naging loyal naman ako sa iyo eversince na nakilala kita.

Grrr! Kaka-gigil ka! Ang sarap mong sipsipin! Ang sarap mong kagatin! Tutusukin kita habang buhay! Do you know what i love most about you? When you're hot and spicy! Nakaka-turn-on ka! Gustong-gusto ko ang ginagawa mo sa dila ko---Pinapaso mo! Wooh! Tobeeg! Ang sarap mo... Grabe! You're so mysterious! I don't have a single clue about you! Wala ako kahit na isang kuko tungkol sa iyo! (Di mo gets? Read it again! Haha! Di niya gets!)

Pero bakit ganoon ka? Pagkatapos mo akong paligayahin ay bigla ka na lang nawawala! Kaya napapatanong na lang ako sa sarili ko---No More?!

Ang Kakrowch...*BOW*

Sa mundong ito---Hindi natin maiwasan ang mag-isip. Naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ganito? O' diba? Napaisip ka na naman! Well---All I can say is this---Mahirap ang hindi mag-isip. Bakit? Don't look at me! Kaya nga ako nagtanong---Hindi ko rin alam! Think naman pare! Think!

Anyway---Ito ang naging dahilan kung bakit ko naisipang gumawa ng panibagong "walang kwentang" entry sa aking blog para sa mga wala rin namang kwentang readers. Dito nagsimula ang lahat... (Ahem... Eckkmmpwee!!)

Der Ati Charu...

Pumunta ako kahapon sa tindahan at umupo sa garden habang nakikinig ng mga kanta ni Pepe Smith sa player ko. Nang biglang may tumabing matabang mama sa akin at tinanong ako ng ganito---"Can I borrow your mobile?!". Siyempre na-shock ako sa kanyang tanong. I looked at him with a confused look. Then I answered back with a loud voice saying---"Wow! Heavy! Manghihiram ka lang iningles mo pa! Here! Sure! Why not?!". Hmmm... Walang sense ano? Hindi ko nga alam kung bakit ko nasulat yan. Ang katotoohanan ay wala lang talaga akong alam na isulat. Ito ang kagandahan sa blogging! Kahit walang kwenta ang mga pinagsasasabi ko ay ayos lang dahil walang maaring makialam sa akin. What the heck? Blog ko to! Maaring merong umepal pero hanggang ka-epalan lang ang kaya nila. Ayon sa survey---99.99% ng mga bloggers ay tsismosa't tsismoso. Wag mong i-tsismis ha? Sa iyo ko lang yan sinabi. Gawa-gawa ko lang yan para may mabasa ka!

Sa mundo ng blogging ay maari ka ring lumikha ng sariling mundo. Halimbawa---Maaring sabihin ko sa blog kong ito na ako'y isang businessman na mayroong sampung Navigator, dalawang yate, isang private plane at dalawang isla sa Hundred Island. Maaring hindi ka naniwala pero nakita mo ba ang aking nais iparating? Libreng mangarap! Libre! As in free! Walang bayad! At isa pa! Blog ko to men! Nakikibasa ka nlang kokontra ka pa?! Gumawa ka ng sa iyo para fair ang laban! Patas ang labanan dito sa blogging. Okay? Apir!

Now---To continue---Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mabubuhay dito sa mundo. Maaring madedok ka ngayon---Pero alam mo ba kung saan ang tungo mo? Kanya-kanyang sagot ang nagsisilabasan kapag itinanong ito. Isa lamang ang aking masasabi---Basta ako---Magbabanyo muna ako! Naiihi na ako! Wait lang...

Hmmm... Hmmm... Magbilang ka muna... 1-2-3-4-5-6-7-8-9-10... (Nagbilang nga!) Nagdaan ang sampung minuto... Nasa banyo pa rin ako. Makalipas ang bente minuto ay naghihintay ka pa rin... Nagdaan ang kalahating oras... Andiyan ka pa rin. Isang oras na ang nakalipas... At feeling mo ay talagang inihintay mo ako! Hahaha!

BACK TO THE STORY...

Lahat ng bagay sa mundong ito'y may hangganan at katapusan. Tulad nito! Tapos na... (Ang korny noh?!---Pero binasa mo pa rin! Apir!)

BILANG KONKLUSYON...

Masaya ang buhay! Relax lang---Tawa ka lang hanggang tawaging kang ulol.

My Nightmare

It's 8 in the morning at the office. Just another typical morning of my life. I still feel sleepy. My head is heavy. I played some of my mp3s to stir me up. My stomach aches! I'm starved! The weather is hot but it's the humid that I really hate. I just want to go home, eat and sleep for eternity where there are no problems and just dreams. I had all the opportunities! Why did I let them slipped through out of my hands?! Now I have to suffer! Now I know that for everything we do there are consequences. Karmas are for real! They exist! If only I did the right things! Sighing is all I can do now… regret! This is so stupid! I didn't have the chance to enjoy my life. This is killing me! This is the end of my golden era! Downfall here I come! You see? I can accept defeat! It's being abandoned that I can't accept! What a nightmare this is!

My Sore

Why live when we can die? I'm sick of breathing... All I ever do is inhale this so called oxygen! I hate all you nosey snoopy people! Why can't you just mind your own mind numbing business? When will you learn to appreciate life? When will you realize? I'm so worn-out… Everyday is unchanged! Melancholy is my silhouette. Where is happiness? Why are you hiding from me? I'm maybe miserable but not a dupe! My joy is your misery! My laughter, your sadness! My smile, your smirk! My legend is to be naught. I love the sound of weeping! Tears fascinate me. My desires are beyond accessible. I'm just someone.

What is it with this world? What am I doing here anyway? What the hell am I supposed to do? Everybody wants success. Who the heck is success? Who wants to be liable for something not good? No one! Why take the blame when you can blame others. Right? Anyway, what's the point? I don't know! Hahaha! I'm just wasting my time. I'm sitting here doing this non-sense. Doing nothing all day… *sigh* I'm getting paid for sitting… doing nothing! Answering the same stupid questions every-boring-day! It's so obvious that I'm so bored to death. I'd rather suck my thumb all day than do nothing! It's raining sand. Dust fills the air! Sky is dark and the wind is rough. I can hear the ticking of my watch. I'm so annoyed! I'm a prisoner of time waiting for liberty. Life is just a routine but I'm thinking of breaking the rules. I will break the barrier! I know you're all good but I'm better. For real? I pretend!

A Prayer

My dad is the best. I consider myself so blessed for I have a father that is so loving and caring. His joy is my laughter. He knows what is best for me and teaches me the things that are pure and wonderful. He helped and taught me how to stand and walks me through the help of his guiding hand. He lights my way and on his arms he lets me stay.

Though sometimes I commit faults or mistakes, still, he is forgiving and merciful. When I fall, he is my courage. The protection he brings is so strong yet so comforting. Sometimes he lets me suffer, so that I would learn. When trouble comes there is always that calmness on his face that makes my soul light. He is wise and true. He satisfy my needs making me feel so special. Working so hard to supply us our everything. Truly I’m special because he’s special.

I am glad that I am his and he is mine. What more can I ask? Having him makes my heart rejoice. So in return, I thank you for giving me a father on this earth. I know I am not worthy but by your grace you’ve given me to him. Give me an obedience heart like your Son, Jesus.

                                                              Amen

"The Evolution" - Not a THEORY!

Ako si Windoulf (Lumanog Ruiz Sampang) De Leon… Wing ang tawag sa akin ng tropa… Minsan bagwis at pak-pak… Weird? Sa pangalan ko pa lang ay weird na pero wala pa yan… Mas weird ang mga susunod na mababasa niyo… Laking outer-pinas… Pinanganak sa Pampanga noong September 10, 1988… Ako ang panganay sa aming tatlo… Si Wyllainn ang pangalawa at si Wincarle ang bunso… Winnie at Wilfredo naman ang pangalan ng aking mga magulang… Dobolyu lahat ang simula ng aming pangalan… Ayos ba? Hehehe… Sa Pampanga ako nag-aral ng elementary… Sa isang pribado at katolikong eskwelahan… Maaga ang pasok noon… Dapat nasa eskwela na bago mag-6 ng umaga dahil araw-araw ay magfofol in line kami at pupunta sa quadrangle upang awitin ang pambansang awit, manumpa, at magdasal… at pagkatapos noon ay pababalikin na kami sa aming mga building ngunit bago makapasok sa sariling building ay may mga hayskul officers na nanghuhuli sa mga estudyanteng hindi nakapangsuot ng tamang uniform… At kapag nahuli ka nila ay diretso sa discipline office ang punta mo… Pero dahil uso na rin ang suhol noon e nasusuhulan na namin sila… Kapag first ofens ay magbabayad ka ng piso at kada dag-dag ng ofens ay dag-dag din ng piso… Oh diba? Mura pa lang noon… Ewan ko lang ngayon... Hehehe… Naalala ko pa noong grade 3 ako… nag-oober da bakod na kami ng mga klasmeyt ko para maglaro ng super nintendo… Naalala ko pa yung lagi namin nilalaro noon ay Mario… Kumbaga sa panahon ngayon ay tipong DOTA,Ragnarok at Counterstrike na nakakaadik… Kaya naman lagi kaming parent’s needed… Minsan naman ay nagdadala na lang kami ng GameBoy para sa eskwelahan na lang kami… Kapag naman dala namin ang G.B. noon ay parang nagdadala ka rin ng 14” na TV… Pero noong panahon na iyon ay feeling namin ay napakaliit na ng GameBoy… PacMan at Mario naman ang sikat na laro sa GameBoy noon… Mas malulupit kaming maglaro noon dahil noon ay hindi pa uso ang mga cheats… GameBoy Maniac ang tawag sa amin ng mga babae noon… Sila ang aming mga dakilang enemy!! Lagi kami sinusumbong sa mga teachers kaya nacoconfiscate mga GameBoy namin… Kaya naman pagdating ng uwian ay ubos na ang battery dahil kapag breaktime ay nilalaro din ng mga teacher ang G.B. namin sa faculty room… Kaya kapag confiscated ang mga G.B. namin ay no choice kami kung hindi maglaro na lamang ng sipa, basketball, tayatayaan,text at patintero… Adik din kami sa text… Isang cabinet ang mga text ko noon… Kaso tinaya ko lahat kaya nawala din lahat… Mga hyper din kami noon… ayaw namin magpatalo sa mga girls… Kaya naman lagi namin sila inaasar at kapag umiyak na ay magtatago na kami sa CR dahil hindi sila pwede pumasok sa CR namin… At doon sila lalong naasar tapos sasabayan pa namin ng kanta… “Umiiyak si {NAME}… Umiiyak parang bata!!”… Iba rin trip namin noh? Hehehe… Meron pang isang laro na pinagkaguluhan naming lahat… Ito ang… BRICKGAME!! Yung 100 in 1!! Kapag wala kang brickgame… Pare, poor ka!! Ewan ko ba paano nauso yun… Eh mas mabantot naman yun sa G.B…. Pero mas maliit naman siya ng konti sa G.B…. Buhay nga naman noon… Hehehe!! Isa rin ako sa mga tipong astig na estudyante sa batch namin noon… dahil sa WALKMAN ko!! Hindi naman kami music lover pero dahil cool gadget siya noong panahon na iyon… kelangan meron ako!! Hehehe… Wala pa kasing i-pod noon… Kaya haytek ka na kapag may walkman ka!! Marami akong cool gadgets noon dahil lagi ako pinadadalhan ng lola ko… Hehehe… Pagdating ng grade 4 ay iba na ang pinagkakaabalahan namin… Mas haytek na kami… Mas malupit… Mas maliit na ang gamit namin… ito ang sikat na sikat na digital at cyber pets na… TAMAGOCHI!! Whoo! Tipong Celfon din yun… May beep kapag tumae at nagugutom na ang pet mo… Kaya kapag nagkaklase na kami ay nakasilent mode ang Tamagochi para hindi maconfiscate… Payabangan pa sa mga kanya kanyang pets… Ang pinakamalupit na pet noon ay dragon! Pare sikat ka kapag dragon ang pet mo! Kapag ibon pet mo o kaya dog… Walang kwenta Tamagochi mo! Kaya naman nagpabili ako ng dragon… naalala ko 800 pa ang tamagochi noon! Buti na lang mabait ninong ko! Kaso palaos na noong nakabili ako… kasi NBA cards na uso! “Pare Trade ko Jordan mo sa dalawang Miller ko..” Ganyan ang madalas na maririnig noon… Pero kapag may damage na cards mo… Pamunas na lang ng pwet yan!! Kaya naman tinrade ko kagad Tamagochi ko sa NBA cards! Araw-araw akong hindi kumakain para makabili lang ng cards!! Dahil gusto ko talagang makakuha ng Jordan!! Natapos ang school year na wala akong nakuhang Jordan… Pero Ok lang dahil noong grade 5 na ako ay iba nanaman ang uso… Ito talagang to da max na ang pagkahaytek namin! Ang PLAYSTATION! Balik sa Game Maniacs ulit… Pero Game Adikz na kami…. Marunong na kami gumamit ng cheats!! Haytek n talaga!! Cutting classes para lang makapaglaro sa mga arcade… di na rin kami kumakain dahil 40 per oras ang laro… Buong grade 5 nauso ang PlayStation… Marvel VS Capcom… Tekken 4… NBA Live… Crash Bandicoot… CTR… FF7… Yan ang mga madalas namin laruin… Hangang sa magpabili na ako kay erpats ng sarili kong PS… Buti na lang at good shot pa ako sa erpats ko noon at binili naman niya ako… Ang yabang ko pa noon dahil dalawa pa lang kami sa grade 5 ang may PS… Kaso iglang pumasok ang POKEMON!! Kung Game Maniac kami noon… Hindi na ngayon… Dahil Game Prof. na ang tawag sa amin… Dahil sa amin na nag papaturo ang mga girls kung paano matapos ang pokemon sa GameBoy Color!! Wooohoooo!! Kanya-kanyang versions pero iisa ang istorya… Pustahan pa kami kung sino una makatapos!! Hangang grade six yan ang nilalaro namin hangang matapos namin at balik ulit sa playstation… hehehe… pero sa kabila ng lahat ay nakuha pa rin namin matapos ang elementary… Parang Arcade ang school namin noh? Ehehehe...